MANILA, Philippines- Dapat umanong maghanda ang mga mananakay para sa mas mataas na pamasahe sa Light Rail Transit Line (LRT1) simula Abril sa pag-apruba ng Department oof Transportation (DOTr) sa pagtaas ng fare matrix ng train system.
Inihayag ito ng pribadong konsesyonaryo ng LRT 1 na Light Rail Manila Corp o LRMC.
Sinabi ng LRMC na ang revised fare atrix na inaprubahan ng DOTr Rail Regulatory Unit ay ipatutupad simula Abril 2,2025.
Sa abiso na petsang Pebrero 14,2025 na nilagdaan ni Railways Undersecretary Jeremy Regino, ipinaalam ng DOTr sa LRMC ang aprubadong bagong fare formula para sa Line 1.
Ang kasalukuyang formula ng pamasahe para sa LRT1 na P13.29 boarding fee at P1.21 increment kada kilometrong biyahe ay itataas sa P16.25 na boarding fee at isang distansya kada kilometrong pamasahe sa paglalakbay na P1.47.
Batay sa inaprubahang revised fare matrix, ang pinakamataas na pamasahe na P45 para sa isang solong paglalakbay na end-to-trip ay aabot sa P55.
Ang pagsasaayos ng pamasahe para sa LRT1 ay dalawang buwan matapos magsagawa ng pampublikong pagdinig ang DOTr sa petition for increase ng LRMC.
Kinakailangan ng pribadong operator ng LRT1 na ilathala ang inaprubahang pamasahe kahit isang beses sa isang linggo sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo sa isang pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon.
Naghain ang LRMC ng mga petisyon ara sa pagsasaayos ng pamasahe noong 2016, 2018, 2020 at 2022 na lahat ay ipinagpaliban. Jocelyn Tabangcura-Domenden