Home NATIONWIDE Dagdag sa substinence allowance sa AFP ikinatuwa ni Romualdez

Dagdag sa substinence allowance sa AFP ikinatuwa ni Romualdez

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ni House Speaker Martin Romualdez ang dagdag sa
subsistence allowance ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nitong Biyernes, Marso 14 ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 84, na nagpapataas sa allowance mula sa P150 ay ginawang P350 na epektibo
mula Enero 1, 2025.

“This is a well-deserved increase for our brave and dedicated soldiers who tirelessly defend our country. It is a concrete manifestation of our commitment to improving their welfare and recognizing their sacrifices for our nation,” saad sa pahayag ni Romualdez nitong Sabado.

“Kapag maayos ang kalagayan ng ating sundalo, mas magiging matatag ang ating bansa. Ang pagtaas ng subsistence allowance na ito ay isang hakbang patungo sa mas matibay, mas maunlad, at mas ligtas na Pilipinas,” dagdag ng House Speaker.

Sa executive order, sakop ng increase ang mga opisyal na nakalista bilang tauhan ng AFP kabilang ang mga trainee, at probationary second lieutenants o ensigns na sumasailalim sa military training maging ang Citizen Military Training cadets sa summer camp training. RNT/JGC