MANILA, Philippines- Ini-adjust ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rates at allowances ng Philippine government personnel na nakatalaga sa ibang bansa.
Sa ilalim ng Executive Order 73 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oct. 30, ang base rates ng overseas allowances para sa lahat ng government personnel sa ibang bansa ay itataas, na nakatakdang ipatupad sa apat na annual tranches.
Itinaas din ng Pangulo ang overall allowance indices, kasama ang annual base rates ng living quarters, at rates of representation.
Gayundin, binago ng parehong EO ang annual base rates ng living quarters allowance, na ipatutupad din sa apat na tranches.
Agad na paiiralin ang kautusan kapag nailathala na sa Official Gazette o sa pahayagan sa general circulation.
Magpapalabas ang Department of Foreign Affairs (DFA), sa pakikipagtulungan sa Department of Budget and Management (DBM), ng implementing rules and regulations. RNT/SA