Home NATIONWIDE Dagdag-sahod sa minimum earners sa Ilocos, W. Visayas, aprubado

Dagdag-sahod sa minimum earners sa Ilocos, W. Visayas, aprubado

435
0

MANILA, Philippines – Makakatanggap ng dagdag sahod ngayong buwan ang mga minimum wage earners sa Ilocos Region (Region 1) at Western Visayas (Region 6) kasunod ng pagpapalabas ng wage order ng kani-kanilang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

Sa magkahiwalay na mga post sa social media, sinabi ng RTWPB-1 sa pamamagitan ng Wage Order (WO) No. R1-24 na ang pagsasaayos ng sahod para sa minimum daily wage earners ay mula P37 hanggang P45, habang inaprubahan ng RTWPB-6 ang pagtaas mula P37 hanggang P40.

Para sa Ilocos, ang mga manggagawa sa non-agriculture companies na may 10 o higit pang empleyado ay tatanggap ng P505 araw-araw mula sa dating P460, habang ang mga nasa agriculture at non-agriculture firms na wala pang 10 empleyado ay makakakuha ng P480 mula sa P435.

Makakatanggap din ng karagdagang P700 kada buwan ang “Kasambahay” o mga domestic worker sa rehiyon. Ang bawat isa ay makakakuha ng P6,700 mula sa P6,000. Sinasaklaw nito ang mga domestic worker mula sa lahat ng lungsod at munisipalidad, anuman ang uri ng kita, ayon sa WO RB1-DW-06.

Sa kabilang banda, inaprubahan ng RTWPB-6 ang pagtaas sa pamamagitan ng WO No. RBVI-29; para sa non-agriculture/industrial/commercial company na gumagamit ng higit sa 10 manggagawa, tatanggap sila ng P550 mula sa P513; para sa mga nagtatrabaho ng 10 manggagawa o mas mababa, makakakuha sila ng P525 mula sa dati.

Para sa agrikultura, makakatanggap ang mga manggagawa ng P520 mula P480.

Samantala, magiging P6,500 na kada buwan ang minimum wage rate para sa kasambahay sa rehiyon matapos aprubahan ng Wage Board sa pamamagitan ng RBVI-DW-07 ang P500 adjustment.

Saklaw ng pagtaas ng sahod ang mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental, kabilang ang highly urbanized na mga lungsod ng Iloilo at Bacolod.

Ang mga pagtaas ay makikinabang sa tinatayang 389,505 minimum wage earners at tinatayang 259,819 domestic workers.

Magkakabisa ang WOs sa Nobyembre 19, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here