Manila, Philippines – Hindi na nag-deliver ng eulogy si Daisy Romualdez sa huling gabi ng lamay kay Gloria Romero sa Arlington Memorial Chapel.
Nagkasya na lang siya sa panayam sa kanya ng PEP.
Hindi raw kasi kakayanin ni Daisy kung paanong she confessed to having cried buckets nang ibalita ng kaisa-isang anak ng kaibigang aktres na si Maritess Gutierrez na: “Tita, mama is gone…”
Nang mga sandaling ‘yon ay nasa Manila Hotel si Daisy dahil inaasikaso niya ang kanyang ipoprodyus na show doon sa February.
Pero nakuha pa raw niyang bisitahin ito sa mismong kaarawan nito, December 16 last year.
‘Yun na daw ang kanilang huling pagkikita.
Matatandaang si Daisy ang dahilan kung bakit nabuo ang belated birthday dinner bilang tribute kay Gloria noong February 2024.
Buong pagmamalaki ni Daisy ang nakuha niyang suporta at kooperasyon mula sa mga artistang hindi nagpabayad.
Truth be told, Daisy takes pride in being the closest to the late Queen of Philippine Cinema.
Their sisterly relationship dates back noong magkasama pa sila sa Sampaguita Pictures.
Aniya: “Mas madalas pa akong natutulog sa bahay niya kesa natutulog ako sa bahay ko. Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin, alam ko ring lahat ang tungkol sa buhay niya, kay Juancho Gutierrez at kung sino ang mga nanligaw sa kanya.”
Ang Juancho Gutierrez na tinutukoy ni Daisy ay ang asawa ni Gloria at ama ni Maritess.
“Ateng” ang nakasanayan niyang itawag kay Gloria: “Napakabait na babae, walang kaaway, walang masamang tinapay.”
Aminado si Daisy na: “I lost a sister, a best friend…I lost everything. I will miss her so much…” Ronnie Carrasco III