Home NATIONWIDE PCG: 2 barko ng Tsina nakalabas na ng PH EEZ

PCG: 2 barko ng Tsina nakalabas na ng PH EEZ

MANILA, Philippines- Nakalabas na ang dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa baybayin ng Pangasinan noong weekend ay sa karagatan ng bansa noong Lunes, Peb. 3.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea (WPS) na ang barko ng CCG na may bow number na “3301” at “3104” ay binantayan ng PCG vessel na BRP Cabra (MRRV-4409) hanggang sa makalabas ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Nauna nang namataan ang mga barko ng China sa layong 34 nautical miles sa baybayin ng Bolinao, Pangasinan noong Linggo, Pebrero 2, bago lumipat sa Luna, La Union.

Sinabi ng PCG na ito ang pinakamalapit na distansya na ginawa ng isang pumapasok na barko ng China sa baybayin ng Pilipinas.A

Alas-7 ng umaga noong Lunes nang matunton ang mga barko ng CCG 61 nautical miles at 81 nautical miles mula sa coastal province ng Guangdong sa timog-silangang Tsina.

Iginiit ng mga barko ng China na sila ay nagpapatrolya sa internal waters ng China.

Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea, kabilang ang mga bahagi sa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Gayunman, muling iginiit ni Tarriela na ang pangako ng PCG ay nananatiling hindi natitinag na itaguyod ang mga karapatang maritime ng bansa at pangalagaan ang pambansang interes sa WPS. Jocelyn Tabangcura-Domenden