Mahaba ang pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel Mega Q-Mart Station sa Quezon City nitong Martes matapos magdulot ng pagkaantala ang nakasabit na sagabal sa footbridge sa pagitan ng Magallanes at Taft stations ng MRT-3, dahilan upang humaba rin ang pila sa ilang istasyon ng tren. Danny Querubin
MANILA, Philippines- Niratipikahan ng Senado nitong Lunes ang amendments sa Motorcycle Crime Prevention Act o ang Doble Plaka law na nagbabawa sa parusa at multa sa sinumang lalabag sa batas.
Inihayag ni Senate Deputy Majority Leader Joseph Victor Ejercito, ang principal author at sponsor ng amendments, na repleksyon ang amended law sa kagustuhan ng gobyerno na itama ang batas sa hindi inaasahang pangyayari.
Hinihintay na lamang na malagdaan ang pagbabago sa batas na magpapaluwag sa may-ari ng motorsiklo habang pinananatili ang public safety sa pag-aalis ng Radio Frequency Identification System (RFID) requirement.
“While dealers must register motorcycles within five working days of sale upon the owner’s authorization, owners must report a sale or disposition within five working days,” ayon sa panukala.
Kailangang ilipat din ng bagong nagmamay-ari sa loob ng 20 araw ng pagkakabili.
Kailangang magpalabas naman ang Land Transportation Office ng registration certificates sa loob ng dalawang araw pagkatapos matanggap ang lahat ng dokumento kabilang ang clearance mula sa Philippine National Police-Highway Patrol Group.
Kailangang magsumite naman ang lahat ng motorcycle dealerships ng annual reports sa kalagayan ng repossessed motorcycles.
Sa ilalim ng niratipikahang panukala, ibinaba ang orihinal na mabigat na parusa at pagkakakulong.
Magkakaroon na ng pinakamataas na P5,000 multa kapalit ng P20,000 hanggang P50,000 at pagkakakulong.
Pagmumultahin naman ng P5,000 ang sinumang walang plaka o hindi mabasang numbero mula sa dating P100,000.
“Failure to report a lost plate within 72 hours is also penalized with a PHP5,000 fine, significantly lower than the original range of PHP20,000 – PHP50,000,” ayon sa panukala.
Pagmumultahin naman ng P10,000 hanggang P20,000 ang sinumang mapatutunayang gumagamit ng nakaw na plaka o pagkakakulong ng anim hanggang 123 taon.
“Tampering, forging, or covering number plates now leads to a six-month to two-year prison sentence and a PHP10,000 fine, a lighter penalty compared to the original six-year maximum imprisonment,” giit pa ng bagong batas.
Hindi maaaring kumpiskahin ng LTO ang motorsiklo kung hindi magkaroon ng update sa rehistrasyon alinsunod sa itinakda ng batas.
Ayon kay Ejercito, tutugunan ng amendments ang alalahanin ng riding community na naunang kinondena ang batas bilang discriminatory.
“This is a message to all Filipinos: laws can be rectified when they prove to be unfair or impractical, and we in government are willing to listen,” giit niya.
Base sa revised bill, mayroon ang LTO hanggang June 30, 2026, na ipatupad ang number plate issuance at compliance mula sa dating Dec. 31, 2019 deadline. Ernie Reyes