BULACAN, Philippines – Humihingi ng hustisya ang City of San Jose Del Monte CSJDM-City Traffic Management – Sidewalk Clearing Operation Office (CSJDM-CTM – SCOO)sa kanilang kasamang nasawi sa hit-and-run incident.
Sa Facebook post ng CTM – SCOO nitong umaga ng Hunyo 3, kinilala ang nasawi na si Ms Charina Celeste na tauhan ng tanggapang ito.
Sa ulat, isang puting van na may plakang REF 203 ang nakabangga at mabilis na tumakas sa pinangyarihan ng insidente.
Dahil dito, nanawagan ang tanggapan sa sinumang may impormasyon o nakasaksi sa naturang insidente na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o tumawag sa 09750026576/09357528178.
Nabatid na anumang impormasyong inyong maibibigay ay lubos nilang pahahalagahan at pananatilihing kumpidensyal.
Malaking tulong umano ang inyong pakikipagtulungan upang mapanagot ang may kagagawan at maihatid ang katarungan para sa biktimang kilalang mabuting halimbawa at may mahalagang ambag sa nasabing lungsod.
Sinasabing na-trace na sa LTO ang pangalan ng may-ari at iba pang details subalit hindi pa rin nakikita ang mismong van, ayon na rin sa netizen. (Dick Mirasol III)