Home HOME BANNER STORY Escudero: Pagdalo sa sesyon para sa Senado, ‘di sa anumang paksyon

Escudero: Pagdalo sa sesyon para sa Senado, ‘di sa anumang paksyon

71
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Sen. Francis Escudero na hindi na katanggap-tanggap ang kasalukuyang sigalot sa Senado, kaya dumalo siya sa sesyon noong Hunyo 3 upang makatulong na makabuo ng quorum.

Ayon kay Escudero, ang kanyang pagdalo ay nagbigay-daan sa pagpapatuloy ng sesyon at sa pagbuo ng bagong majority bloc sa Senado.

Binigyang-diin niya na ang kanyang desisyon ay hindi pagpanig sa anumang grupo kundi para matiyak na magampanan ng Senado ang mandato nito sa publiko.

“When political divisions become too extreme and obstruct our mandate, we must all have the courage to pause, gain perspective, reflect, consider and realize that we should put the Senate, as the institution that we serve, above ourselves,” ani Escudero.

Idinagdag niya na hindi ito usapin ng loyalty, betrayal, o pagpili ng kampo, kundi pagtupad sa tungkulin bilang senador.

Bagama’t kabilang siya sa grupong nagluklok kay Alan Peter Cayetano bilang Senate President, sinabi ni Escudero na ang kanyang naging pasya ay higit sa pulitika at nakatuon sa pagpapanatili ng maayos na operasyon ng Senado.

“Hindi ito usaping pampulitika. Wala akong sinasamahan o iniiwanang grupo, pangkat o paksyon… Ngunit hindi pwedeng manatili tayo sa ganitong sitwasyon. Ang naaapektuhan na ay ang mismong kakayahan ng Senado na gampanan ang kaniyang tungkulin sa bayan,” aniya.

Hiniling din ni Escudero ang pag-unawa at panalangin ng publiko upang malampasan ng Senado ang kasalukuyang hamon at maipagpatuloy ang paglilingkod sa sambayanan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here