Home METRO Dalagang ‘kinati’ sa supermarket dinakma ng sekyu

Dalagang ‘kinati’ sa supermarket dinakma ng sekyu

Bulacan – Arestado ang 26 anyos na dalagang nangati ang mga kamay kaya dumekwat ng mga pakete ng powder juice sa supermarket sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang suspek sa pangalang “Honey,” single, jobless ng Brgy. 183, Amparo, Caloocan City.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ng SJDM police station, nangyari ang insidente bandang 10:30 ng umaga nitong Abril 24 sa supermarket sakop ng Brgy. Bagong Buhay 1.

Ayon sa report, namataan ng guwardiya ang suspek na kumuha ng assorted powder juice packs na hindi nagbayad hanggang lumabas ng tindahan kaya pinigilan niya at kalaunan ay isinuko sa pulisya.

Dahil dito, narekober sa kanya ang 36 packs ng grapes juice na may halagang P651.60, 12 packs Calamansi juice, halagang P216, 12 packs ng Pomelo juice halagang P232, 48 packs ng orange juice, may halagang P868.80 at 36 packs ng pineapple powder juice, halagang P652.60.

Nahaharap ang suspek sa kasong Theft (Shoplifting) habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III