Home METRO Dalagita tinuhog ng kapitbahay

Dalagita tinuhog ng kapitbahay

Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng 11 anyos na batang babae matapos gahasain ng 37 anyos na lalaking kapitbahay sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang biktima sa alyas na Melay habang ang suspek na nakatakas ay si alyas Dindo, kapwa residente ng Villa Ilagan, Brgy. Muzon.

Sa report ng SJDM police station kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nangyari ang insidente noong Abril 23 sa nasabing lugar at nabisto lamang nitong Martes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang nasa pangangalaga ng kapatid na babae ng suspek ang kapitbahay na biktima ay kanyang sinamantala ang pagkakataon at hinalay ito.

Nabisto lang ang insidente nang aminin ng biktima sa kanyang ama na nagngangalang Melgar ang masamang nangyari sa kanya.

Dahil dito, nagreport ang mag-ama bandang 1:40 ng hapon nitong Mayo 28 sa pulisya laban sa suspek na agad tumakas sa lugar.

Sinasabing sumailalim sa Medico-Legal Examination sa Forensic Group sa Camp Crame, Quezon City ang biktima.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang tinutugis na ng mga alagad ng batas. Dick Mirasol III