Home ENTERTAINMENT Kathryn, nagpasalamat sa FAMAS, dedma sa kontrobersya!

Kathryn, nagpasalamat sa FAMAS, dedma sa kontrobersya!

Manila, Philippines – Si Kathryn Bernardo ang wagi bilang Best Actress sa kontrobersyal na FAMAS Awards na ginanap sa Manila Hotel para sa mahusay niyang pagganap sa A Very Good Girl.

Sa kanyang acceptance speech ay hindi niya nakalimutang pasalamatan si Dolly de Leon, na co-star niya sa nasabing pelikula.

Narito ang acceptance speech ni Kathryn.

“This is my first (best actress award sa FAMAS). Thank you so much po FAMAS.

“Nung tinanggap ko ang pelikulang A Very Good Girl, hindi naman po ako nag-i-expect ng any award or nominations. Tinanggap ko po ito dahil naniwala ako sa material at nagtiwala ako sa mga kasama ko.

“Siguro, umaapaw lang po ‘yung saya, kasi nabigyan ako ng pagkakataon na gumawa ng ganitong klase ng pelikula, na minahal at sinuportahan ng mga tao. So maraming-maraming salamat po.

“This movie, A Very Good Girl, is a product of hardwork, love, and passion. So maraming salamat sa lahat ng sumuporta, sa lahat ng nagbigay ng oras at sa lahat ng nagmahal sa pelikula namin.

“And of course, gusto ko ring i-share ang award na ito sa lahat ng bumubuo ng A Very Good Girl, my Star Cinema family, my co-actor, Miss Dolly de Leon, our director, Peterson Vargas. At sa lahat ng sumuporta, at sumusuporta sa akin hanggang ngayon, maraming-maraming salamat.

“Your very good girl is a very happy girl tonight Thank you so much FAMAS.”

Deadma lang naman si Kathryn sa gulong nangyayari ngayon sa FAMAS. Rommel Placente