Home ENTERTAINMENT Marian, ayaw humiga sa ataul, tinawag na maarte!

Marian, ayaw humiga sa ataul, tinawag na maarte!

Manila, Philippines – Makatawag-pansin ang viral nang photo ngayon ni Marian Rivera sa loob ng ataul.

Used for her latest project, screen shot ‘yon na ipinost ng isang netizen sa X (dating Twitter).

Obyus na ayaw humiga ng GMA Primetime Queen sa kabaong kaya larawan na lang ng kanyang mukha ang inilagay.

Bale ba, ang paggamit ng cardboard image ng mukha ni Marian was met with a lot of criticisms.

Na-bash tuloy pati ang award-winning director who’s at the helm of her latest project.

Nauunawaan naman daw if Marian finds lying inside a coffin a bit too morbid or creepy.

Pero sana man lang daw ay ibang material–at hindi cardboard ang ginamit.

Maano daw bang tarpaulin na lang ng mukha ng aktres ang ginamit na malinaw ang pagkaka-print, inayos at in-encase to make it look real?

Marami ngang netizens ang na-disappoint to think that Marian came from the highest-grossing Filipino film of all time, ang Rewind, tapos ay cardboard lang ng mukha niya ang tatambad sa sununod na project niya?

Morbid na raw kung morbid na humiga sa kabaong, pero bahagi raw ng trabaho ang pinag-uusapan dito.

Eh, bakit daw ang asawa niyang si Dingdong Dantes, sa pelikula nilang Rewind ay humiga sa ataul?

Hindi nga ba’t naibenta pa ang ataul na ‘yon kay Boss Toyo?

Kaya ang nagkakaisang tanong ng mga dismayadong netizen: ano naman ‘yang kaartehang paandar na ‘yan ni Marian Rivera?

Ano nga ba, Yanyan? Ronnie Carrasco III