Home HOME BANNER STORY 2 construction worker arestado sa panggagahasa, pagpatay sa Grade 6 stude sa...

2 construction worker arestado sa panggagahasa, pagpatay sa Grade 6 stude sa Cavite

MANILA, Philippines – HAWAK na ng pulisya ang mga suspek sa pagpatay at panggagahasa sa isang 11-anyos na batang babae na natagpuang naaagnas na sa General Trias City, Cavite.

Ang biktima ay isang grade 6 student na residente ng Brgy. Sta Clara, Gen. Trias City, Cavite.

Sa isinagawang follow-up operation, kinilala ang mga naarestong suspek na si Chester Jay Bobadilla y Florendo, isang construction worker at residente ng nasabing lugar, at Alexander Bagalacsa y Senosa, 35, binata, drayber ng Sitio Aligalang, Brgy. Navarro, ng naturang lungsod.

Si Chester ay naaresto bandang alas-12:20 madaling araw ng Huwebes, Hunyo 13 sa Brgy Sta Clara, habang si Alexander ay naaresto bandang alas-7:00 ng umaga, sa Brgy Navarro ng nasabing lugar.

Itinanggi naman ng mga naarestong suspek ang nasabing krimen. Margie Bautista