Home METRO Mga babaeng ‘magaganda’ sinampal ng kelot

Mga babaeng ‘magaganda’ sinampal ng kelot

MANILA, Philippines – Sinampal ng isang 37-anyos na lalaki ang isang babae dahil sa pagiging maganda umano nito.

Sa ulat, tatlong biktima ang naghain ng reklamo laban sa mga suspek. Isa sa mga ito ay isang 33-anyos na babae na siniko umano habang naglalakad sa D. Jakosalem Street sa Cebu City. Tinamaan ito sa mata.

Ang isa pang biktima ay naglalakad lamang alas-6 ng gabi nang bigla na lamang suntukin sa mukha ng suspek at tinamaan ang ilong nito.

Habang ang 22-anyos na biktima ay nagja-jogging sa Fuente Osmena nang suntukin ng suspek sa mata.

“Sinasampal niya dahil maganda daw, peke daw ang mga mukha nila. Dahil hindi kami ang makakapagsabi or maka-allege na kung sinto sinto siya, dahil kailangan ng psychiatrist ang magsasabi niyan,” pahayag ni Cebu City Police chief Police Major Mark Don Alfred Leanza sa panayam ng GMA News.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa mga kasong multiple physical injuries.

Inaalam na ng mga awtoridad kung nakararanas ng problema sa pag-iisip ang suspek. RNT/JGC