Home METRO 2 magsasaka tinamaan ng kidlat, patay

2 magsasaka tinamaan ng kidlat, patay

ILAGAN CITY, Isabela – Halos sunog ang boung katawan ng dalawang magsasaka sa magkasunod na naitalang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa palayan sa Brgy. Cabiseria katorse disisais 14-16, San Antonio, City of Ilagan, Isabela.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Edwin Madduma, 41-anyos; at Wilson Figarola, 55-anyos, kapwa magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.

Habang nagkukumpuni si Madduma sa kanyang palayan ay dito nakidlatan. May nakasaksi umano sa pangyayari kaya’t nagawa pa itong itakbo sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

Samantala, pasado alas-6:00 ng umaga nitong Martes, natagpuan ang wala ng buhay na katawan ni Figarola na nagtamo ng lightning burns kung saan tinatayang nasa 200 metro ang layo nito sa lugar kung saan nakidlatan din si Madduma.

Dahil dito labis na ikinalungkot ng mga kaanak habang pinaglalamayan dah parehas na padre di pamilya ang mga ito. Rey Velasco