MANILA, Philippines – Iniulat ang dalawang malakas na aftershock sa Sarangani nitong umaga ng Miyerkules, Hunyo 10.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang magnitude 5.9 na aftershock ngunit ibinaba sa magnitude 5.0 na tumama 12:49 ng madaling araw.
Ito ay tectonic in origin at may lalim na 19 kilometro sa Balut Island (Municipality Of Sarangani) (Davao Occidental).
Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV – General Santos City
Intensity I – Davao City
Ilang oras matapos nito ay tumama naman ang magnitude 5.1 na aftershock 2:09 ng madaling araw sa Sarangani Island, Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 10 kilometro at tectonic in origin.
Ang mga ito ay aftershock ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani noong Lunes. RNT/JGC