Home NATIONWIDE ‘Dangerous’ heat index nagbabadya sa 30 lugar ngayong Biyernes, Abril 26

‘Dangerous’ heat index nagbabadya sa 30 lugar ngayong Biyernes, Abril 26

MANILA, Philippines- Nasa 30 lugar ang nakaambang makaranas ng “dangerous” heat index ngayong April 26, Biyernes, ayon sa 5 p.m. heat index forecast ng PAGASA nitong Huwebes.

Batay sa pinakabagong heat index, makararanas ang mga sumusunod na lugar nga 42°C hanggang 47°C:

42°C

  • Science Garden, Quezon City

  • Tayabas City, Quezon

  • Virac (Synop), Catanduanes

  • Alabat, Quezon

  • Roxas City, Capiz

  • Malaybalay, Bukidnon

  • Cotabato City, Maguindanao del Norte

43°C

  • NAIA, Pasay City

  • Sinait, Ilocos Sur

  • MMSU, Batac, Ilocos Norte

  • ISU Echague, Isabela

  • Iba, Zambales

  • CLSU Muñoz, Nueva Ecija

  • Ambulong, Tanauan, Batangas

  • San Jose, Occidental Mindoro

  • Puerto Princesa, Palawan

  • CBSUA-Pili, Camarines Sur

  • Dumangas, Iloilo

  • La Granja, La Carlota, Negros Occidental

  • Dipolog, Zamboanga del Norte

44°C

  • Laoag City, Ilocos Norte

  • Tuguegarao City, Cagayan

  • Coron, Palawan

  • Legazpi City, Albay

45°C

  • Bacnotan, La Union

  • Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City

  • Sangley Point, Cavite

46°C

  • Aparri, Cagayan

  • Aborlan, Palawan

47°C

  • Dagupan City, Pangasinan

Sa ilalim ng klasipikasyon ng PAGASA, itinuturing ang heat indices na 42°C hanggang 51°C na nasa “dangerous” level, na maaaring maging sanhi ng heat stroke at heat exhaustion.

Samantala, nakaranas ang Dagupan City, Pangasinan at Aparri, Cagayan ng 47ºC heat index nitong Huwebes, base sa PAGASA.

Upang maiwasan ang heat-related illnesses, pinayuhan ng DOH ang publiko na limitahan ang outdoor activities at uminom ng maraming tubig.

Payo pa ng ahensya, gumamit ng payong, sumbrero, at damit na may manggas tuwing lalabas at itakda ang heavy-duty activities sa pagsisimula o pagtatapos ng araw. RNT/SA