Home NATIONWIDE Dangerous heat indices naitala sa 2 lugar

Dangerous heat indices naitala sa 2 lugar

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado na nakapagtala ito ng dangerous heat indices sa dalawang lugar sa bansa.

Sinabi ng PAGASA na naranasan ang heat index na 47°C sa Virac, Catanduanes, habang naramdaman naman ang heat index na 42°C sa Cotabato City, Maguindanao.

Nagbabala ang weather bureau sa mga residente ng mga nabanggit na lugar na posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion, habang maaari namang mauwi ang matagal na pagkababad sa init sa heat stroke.

Samantala, sabi ng PAGASA, kinakailangan ang “extreme caution” sa malaking bahagi ng bansa at maaari umanong magresulta sa heat stroke ang pagpapatuloy ng mga aktibidad.

Sa Metro Manila, naranasan ang heat index na 34°C at 36°C sa Science Garden, Quezon City, at Ninoy Aquino International Airport (NAIA). RNT/SA

Previous article2 suspek sa Jumalon slay nasakote – PTFoMS
Next articleHEA natanggap na ng health workers