Home NATIONWIDE Danish foreign minister Rasmussen, bibisita sa Pilipinas

Danish foreign minister Rasmussen, bibisita sa Pilipinas

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagbisita sa Pilipinas ni Denmark Foreign Minister Lars Løkke Rasmussen sa Disyembre 9 hanggang 10, 2024.

Sa isang kalatas, sinabi ng DFA na ang pagbisita ni Rasmussen sa bansa ay tanda ng unang pagkakataon na ang isang Danish foreign minister ay bibisita sa bansa sa loob ng 25 taon.

“The visit underscores the 78 years of Philippines-Denmark bilateral relations and the like-minded interest to forge even stronger partnerships in future-leading sectors,” ayon sa departamento.

“To promote closer bilateral relations between the Philippines and Denmark, the Foreign Minister’s meeting with Secretary for Foreign Affairs Enrique A. Manalo will focus on enhancing cooperation in areas such as trade and investments, maritime cooperation, green shipping, green transition, health, financial and development cooperation, and people-to-people links,” ang sinabi pa rin ng DFA.

Winika pa ng DFA na magpapalitan ng kani-kanilang pananaw at saloobin sina Manalo at Rasmussen ukol sa regional at international issues ng mutual concern, kaugnay sa shared commitment ng Pilipinas at Denmark para i- promote ang kapayapaan, katatagan at rules-based international order.

Bago pa ang pagbisita ni Rasmussen, nakiisa ang Danish Embassy sa Maynila sa European Union at iba pang bansa sa pagpapahayag sa kanilang pagkabahala sa agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

May ilang bansa naman ang nagpahayag ng kanilang saloobin matapos na maglunsad ang Chinese Coast Guard (CCG) ng water cannon attacks at banggain ang Philippine civilian vessel sa bisinidad ng pinagtatalunang Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

“Deeply concerned at #China’s continued aggressive actions against Philippine vessels in the West Philippine Sea. China’s actions undermine the Law of the Seas, UNCLOS and maritime safety,” ang sinabi ni Denmark Ambassador Franz-Michael Skjold Mellbin sa isang post sa X ( dating Twitter).

Sa kabilang dako, sa usapin naman ng economic front, binawi na ng Pilipinas noong nakaraang buwan ang pagbabawal o ban sa pag-angkat ng domestic at wild birds kabilang na ang poultry products mula Denmark, makalipas ang halos dalawang taon matapos na ipatupad ang nasabing direktiba.

Binawi ang ban matapos na ipabatid ng Danish Veterinary and Food Administration sa World Organization for Animal Health na nalutas na ang lahat ng kaso ng highly pathogenic avian influenza sa European country at walang karagdagang paglaganap ang naiulat simula pa noong Setyembre 12, 2024. Kris Jose