Home NATIONWIDE Paper industry nagpasaklolo kay PBBM sa hirit na regulasyon ng FDA

Paper industry nagpasaklolo kay PBBM sa hirit na regulasyon ng FDA

MANILA, Philippines – Nanawagan ang asosasyon ng paper industry sa pamahalaan dahil nais ng ilang government institution na iregulate ang kanilang produktong papel sa bansa.

Ang apela ni Kevin Yu Gan, ang bagong Presidente ng Philippine Stationers’ Association Inc. (PSAI) ay inihayag sa isang panayam matapos ang isinagawang oath taking ceremony ng mga bagong opisyal ng nasabing samahan sa Century Park Hotel Malate, Manila nitong Sabado.

Ayon kay Yu Gan, maraming hamon ngayon ang kinakaharap ng kanilang industriya dahil tumataas ang dolyar at karamihan ng mga papel ay imported na.

Karamihan aniya sa kanilang iniimport na papel na isinusuplay naman sa bansa ay mula pa sa Indonesia, Brazil, Thailand, US at Korea.

Sinabi ni Yu Gan na sumulat na sila sa Office of the President na tulungan sila na mapakinggan ng Department of Health (DOH) dahil nais aniyang i-regulate ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang produkto.

Binigyang diin ng bagong PSAI president na mabigat sa kanilang industriya sakaling mangyari ang ninanais ng regulatory agency.

Gusto ng FDA na i-classify ang mga papel bilang household urban hazardous substance o HUHS na aniya ay isang teknikal.

Isa aniya sa kanilang sinusuplayan ay ang National Bookstore at Pandayan Bookstore kung saan ang kanilang kinatawan ay kasama sa bagong nanumpa na mga board of directors.

Ayon kay Yu Gan, ang Pandayan bookstore ay mayroon nang mahigit 130 branches sa buong bansa.

Sinabi ni Yu Gan na bagamat walang supply interruption, posibleng aniyang magkaroon ng bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong papel sa unang kwarter ng 2025 dahil na rin sa pagtaas ng dolyar.

Ang stationary association ay 1952 pa umiiral sa Pilipinas ngunit mayroon na rin aniya ito sa ibang bansa.

Isa rin sa naging programa ng PSAI ang pagbibigay ng mga stationary papers sa mga lugar na nasalanta partikular sa mga eskuwelahan.

Panawagan naman ni Yu Gan sa buong samahan ng PSAI lalo na sa kapwa niya mga bagong halal na opisyal na magkaroon ng unity para sa kanilang mga adhikain.

Pinalitan ni Yu Gan is outgoing president Charles Jefferson Sy. Jocelyn Tabangcura-Domenden