Home OPINION DAPAT NANG MAGPAHINGA SI KARATE KID SA PULITIKA

DAPAT NANG MAGPAHINGA SI KARATE KID SA PULITIKA

OTSENTA y tres o 83 porsyento ang nakamit ni incumbent Caloocan City 1st District Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan kumpara sa onse o 11 porsyento ni dating Mayor Reynaldo ‘Rey’ Malonzo.

Sa napakalaking agwat na 72 puntos ay mistulang ‘nilampaso’ ni Cong. Oca si Karate kid sa kanilang pagtutuos sa pagka-kongresista sa unang distrito ng lungsod.

Para maintindihan ng ating dear readers, halimbawa nito ay sa 1 milyong mga botante,  mahigit 800,300 ang sumuporta kay Malapitan at  100,100 lamang kay Malonzo.

Resulta ito ng research hinggil sa ‘chances’ ng mga political candidate ng Caloocan na isinagawa kamakailan ng kilalang pollster firm Social Weather Station.

Wala akong matandaang   pumalpak na trabaho ang SWS dahil reliable ang  ginagawang research kung kaya’y paborito itong ginagamit ng result-driven na mga kliyente.

Aba’y pambihira ito. Milya- milya ang layo ng dating alkalde ng Caloocan na ang anak naman ngayong si Mayor Along Malapitan ang “action man” ng lungsod, kaya tiyak na kakain ng sako-sakong alikabok si Malonzo sa darating na May 2025 election.

Kaya kapag nagkataon, si Malonzo ay lililok ng political history bilang politiko o kandidato na may pinakamaraming talo sa kasaysayan ng halalan sa lungsod.

Saganang atin, dapat nang magpahinga sa pulitika si Karate Kid.

                            *****************

Kung ang naturang SWS survey din ang susundan, tila may tulog ang nais pang bumabalik sa kongresong si Edgar ‘Egay’ Erice kay incumbent Rep.Mitzi ‘Mitz’ Cajayon.

Si Cajayon ay nakakuha ng 64 posyento habang  33 porsyento kay Erice. Ang 31 puntos na diperensya sa survey ay maituturing na “cause for concern” na ‘di dapat baliwalain.

Sa akin lang, pakiwari  ko’y ang matikas na katauhan ng “Batang 10th Avenue” ay unti-unti nang humuhulas sa  paningin at  tiwala ng mga batang Kankaloo.

Sa pangalawang distrito kung saan ay balwarte nito, laging survey topnotcher si Erice sa kahit anong laban sa election maliban lang ngayon na inungusan ito ni Cajayon.

Ika nga ng kasabihan – ang buhay sa pulitika ay weder-weder o pana-panahon lang. Que les vaya bien a todos! (Hope all is well with you, too -Ed)