Home NATIONWIDE Dating vice mayor kauna-unahang naghain ng COC sa Cavite special poll

Dating vice mayor kauna-unahang naghain ng COC sa Cavite special poll

1
0
oplus_131104

MANILA, Philippines – Sa gaganaping special election para sa 4th district ng Cavite, isa si Rex Mangubat na kumakandidato bilang Congressman ay pormal ng naghain ng kanyang Certificate Of Candidacy.

Mahigpit na binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang tatlong araw na filing ng COC para sa mga nagnanais na tumakbo sa bakanteng puwesto sa House of Representatives.

Isa sa tatlong kumakandidato bilang 4th district Congressman si Mangubat na siyang dating vice mayor ng lungsod, at nanungkulan ng 21 taon sa hanay ng partido ni dating Congressman Elpidio “PIDI” Barzaga.

Sa pagtakbo ni Mangubat, kalusugan at edukasyon ang mas pagtutuunan nito ng pansin kung sakaling palarin at mailuklok siya sa kongreso gayundin ang mga senior citizen na mas nangangailangan ng kalinga.

“Wag mawawalan ng pag-asa, libre ang mangarap pero samahan natin ng sikap at tiyaga. Sa huli, kayo din ang magtatamasa ng saya at maayos na buhay. Ipagpapatuloy ko ang magandang sinimulan ni Barzaga, unahin ang pangangailangan ng Dasmarineño. Wala tayong one Town, one Product. Pero ang ating mga kababayan, yan ang ating produkto. Mahal ko ang Dasmariñas, Mahal ko ang mga Dasmarineño,” pahayag ni Mangubat. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here