Home METRO Davao City ikalawang ‘safest city’ sa SE Asia  

Davao City ikalawang ‘safest city’ sa SE Asia  

DAVAO CITY- Idineklara ang lungsod na ito na ikalawang “safest city” sa Southeast Asia sa Numbeo Southeast Asia: Safety Index for 2023 na may 72.4 safety index score.

Nanguna ang Chiang Mai City sa Thailand na may 72.5 at ikatlo naman ang Singapore sa 70.8.

Nasa ika-apat hanggang ika-10 pwesto naman sa listahan ang Penang City, Malaysia; Hanoi, Vietnam; Makati City, Philippines; Bangkok, Thailand; Iloilo City, Philippines; Pattaya, Thailand; at Bali, Indonesia.

Sinusukat ng safety index ang general crime levels sa isang lungsod o bansa. Upang matiyak ang statistical reliability, pinipili ang mga siyudad base sa pagkakaroon ng minimum number ng contributors.

Sinabi ng Numbeo Southeast Asia na nakakuha ang Manila at Quezon City ng 65.4 at 63.2 crime index. Ikatlo at ika-apat ang Kuala Lumpur at Klang sa Malaysia.

Ika-lima hanggang ika-10 naman ang Phnom Penh City, Cambodia; Johor Bahru, Malaysia; Jakarta, Indonesia; Ho Chi Minh, Vietnam; Cebu City sa Pilipinas; at Petaling Jaya sa Malaysia.

Kinalap ang materyal mula sa mga survey sa website ng Numbeo, gamit ang questionnaires na ginawa kahalintulad ng maraming scientific at government surveys. Ang index ay kinalkula mula 0 hanggang 100.

“This would motivate them to continue their mandate of serving and protecting the people of Davao City and the entire Davao region,” ayon sa Police Regional Office-11, na pinasalamatan ang mga nakiisa sa survey. RNT/SA