Home METRO Davao Occidental inuga ng M-4.2 na lindol

Davao Occidental inuga ng M-4.2 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang munisipalidad ng Sarangani, Davao del Sur nitong Miyerkules ng gabi, Enero 3.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol ay naitala kanluran ng Balut Island, sa munisipalidad ng Sarangani.

May lalim itong 36 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II ng lindol sa General Santos City, at Malapatan sa Sarangani.

Samantala, naitala rin ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity III – City of General Santos
Intensity II -Alabel, Sarangani at T’Boli, South Cotabato
Intensity I – Don Marcelino, Davao Occidental; Malapatan at Maitum, Sarangani Lake Sebu, South Cotabato

Walang inaasahang aftershock o pinsala kasunod ng lindol. RNT/JGC

Previous articleMga pasahero dapat makalabas ng eroplano sa loob ng 90 segundo sa oras ng sunog – CAAP
Next articlePinagmulan ng oil spill sa Davao inaalam na ng PCG