Home NATIONWIDE Pinagmulan ng oil spill sa Davao inaalam na ng PCG

Pinagmulan ng oil spill sa Davao inaalam na ng PCG

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng clean-up operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa naganap na oil spill mula sa hindi pa mabatid na pinanggalingan nito.

Iniimbestigahan na rin ngayon ng PCG ang pangyayari at kung sino ang responsable rito.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Coast Guard District Southeastern Mindanao ang clean-up operation ng oil spill sa kahabaan ng Km. 11 ng Davsam Port, Davao City.

Nagdeploy na rin ang PCG ng absorbent booms at oil pads upang maiwasan ang pagkalat pa ng langis sa buong daungan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Marine Environment Protection Force- Southeastern Mindanao, na posibleng galing sa ibang lokasyon ang naglutangang mga langis sa Davsam Port.

Umabot umano sa 200 cubic meters ang oil spill ayon sa Coast Guard.

“Malakas yung current ng dagat. Wala namang naka-standby na barko masyado doon. Possible talaga, galing siya sa malayo,” sabi ni Coast Guard Ensign John Esteban, Deputy Commander, MEPForce-Sem

“We are still investigating about the possible suspected vessel or possible na source ng oil kung hindi man siya sa vessel. Dito sa Philippine Coast Guard, meron kaming mga memorandum circular about pagbabawal ng pagtapon ng oil sa dagat.”

Ayon kay Esteban, maaari nilang kaharapin ang administrative fines ng PCG at iba pang lokal na batas sa Davao City. Jocelyn Tabangcura-Domenden