BAGUIO CITY – Pinaglalamayan na ng kamag-anak ang isang 26 anyos na pulis matapos aksidente umanong mabaril ang sarili habang nililinis ang kanyang baril sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Pinsao Pilot dito sa nasabing lungsod.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Jumeko Potennec, nakatalaga sa Baguio City Police Station 7.
Base sa imbestigasyon, nakita umano ng anak ng biktima na nililinis nito ang kanyang caliber 9mm Zigana PX-9 na baril.
Makalipas ang sampung minuto, nakarinig ng putok ng baril ang anak ng biktima.
Agad na dinala sa pagamutan ang biktima ngunit dahil sa matinding traumatic brain injury ay idineklarang dead on arrival ang biktima.
Samantala, sa pagsisiyasat ng pulisya kung mayroon nangyaring foul play, tinawag itong tragic accident na patuloy na iniimbestigahan. Rey Velasco