Manila, Philippines – Patuloy pa rin ang suporta ng BarDa sa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.
In fact, silang dalawa ang nakatanggap ng power tandem award mula sa 38th PMPC Awards.
In demand sila, ika nga at sa katunayan, kasalukuyang pinu-promote ni David ang pinagbibidahan niyang pelikula mula sa GMA Pictures.
Ang satirical comedy film ay iplalabas sa mga sinehan simula April 19.
Inusisa rin ng PEP si David tungkol sa pag-asam ng kanilang fans na matuloy sa totoohanan ang kanilang loveteam.
FYI, parehong single ngayon sina David at Barbie matapos ianunsiyo ni Barbie last January ang hiwalayan nila ng dating nobyong si Jak Roberto.
January 3, 2025 naman nang nalaman ng netizens na wala na ring karelasyon si David.
Pero ayaw munang pag-usapan ni David ang posibilidad na may mamumuong relasyon or something sa dalawa lalo na’t nakatutok daw ngayon si Barbie sa pagmu-move on.
Sa isang panayam kay David, aniya: “I think, as of right now, Barbie is focusing on herself.
“Kasi kaka-break lang niya.
“Ngayon, nagdya-jogging na siya. Nagwo-workout. Nagbabasa ng libro. Living life, really.”
Hinahayaan muna raw niya ang kapareha na maka-move on sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend nito.
“Ganun naman yata kapag kaka-break mo lang, kaka-single mo lang, you will try your best talaga to heal yourself.
“To heal all the baggage from the past relationship.
“So, let’s give her that.”
Nasa edad 30 na si David at aniya’y naisip na rin niyang bumuo ng pamilya.
“Oo naman, siyempre,” ani David.
Ilang taon mula ngayon, nakikita na ba niya ang sarili na mag-aasawa?
“Five, six years from now.”
Ano ba ang isang ideal girl para sa kanya.
Aniya, “Uhm… Self-passionate. Self-aware. In touch with life.
“Yung parang… what I mean ng self-aware is, for example, nangyayari ito, dahil, eto.