Home ENTERTAINMENT David, inokray sa kawalan ng gana magpa-picture, nagpaliwanag!

David, inokray sa kawalan ng gana magpa-picture, nagpaliwanag!

Manila, Philippines – It takes a certain amount of humility to own up to one’s shortcoming.

Sa kaso ni David Licauco, ‘yun ay kung maituturing na shortcoming niya ang ipinamalas niyang mood nang mahilingan ng isang fan na magpa-picture kasama siya.

Pasakay na raw sa kanyang kotse ang Kapuso actor nang hindi niya mapahindian ang mga fans na dumaluhong sa kanya.

Isang female fan ang nakapagpa-picture with him.

Kaso, sa itsura raw ni David ay halatang iritado raw ito at napipilitan lang.

Obyus na hindi maka-David ang fan dahil tinira niya ito sa social media.

Kesyo hindi naman daw ito magaling umarte, wala rin daw masasabing blockbuster movie na maaaring ipagmalaki.

Hindi nakaligtas kay David ang post ng fan, kaya sinagot niya ito sa X (dating Twitter).

Ipinaliwanag ni David na ng mga oras daw na ‘yon which was already 1 a.m. Ay masama pa ang pakiramdam niya.

Buong kababaang-loob ngang nag-sorry si David at nagsabi pa ng: “Beh, bawi ako next time!”

Maraming netizens naman ang nakaunawa kay David.

Anila, kahit daw mga celebrities ay napapagod din at sumasama ang pakiramdam.

Ito’y para ipaunawa sa ibang fans na huwag “feeling entitled” dahil David is like us normal people.

Samantala, nakarating sa isang taga-Star Cinema ong wish ni David na sana raw ay makagawa siya ng pelikula sa ilalim ng kanilang produksyon.

Ayon sa insider, pupuwede naman daw as long as David undergoes acting workshop para lalo pang mahasa ang kanyang talento.

Even David humbly acknowledges the fact na may punto ang taga-Star Cinema who raised the suggestion. Ronnie Carrasco III