Home METRO De-kalibreng baril, bomba at subersibong dokumento nadiskubre sa Bulacan

De-kalibreng baril, bomba at subersibong dokumento nadiskubre sa Bulacan

Bulacan – Nasamsam ang ibat-ibang klase ng baril, bala, pampasabog at mga subersibong dokumento nang salakayin ng mga awtoridad ang isang abandonadong bahay sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Sa report, nadiskubre ang mga armas, bomba at mga subersibong dokumento nang salakayin ng Scout Platoon ng 80IB ang isang abandonadong bahay bandang 7:00 ng umaga nitong Hunyo 18 sa Brgy. San Roque.

Sa pamamagitan ng SJDM police, PFU at Bulacan PECU na nakatuwang sa operasyon ng Scout Platoon ay tuluyang narekober at naberipika ang mga armas.

Kinilala ang mga armas na Colt Law M16 rifle, long magazine M16 rifle, short magazine M16 rifle, 30 rounds of 5.56mm ammunition, Akar shotgun, 6 pc 12 gauge shoots, grenade, hand fragmentation M67, 3 CTG SFO (KMP) flag and tarpaulin, laptop, flash light, ID, voluminous subversive documents.

Sinasabing isinagawa ang strike operation ng mga awtoridad matapos may namataang armadong grupo sa nasabing lugar.

Nasa kostudiya na ng Bulacan PECU ang mga narekober na mga armas, bala, pampasabog at mga subersibong dokumento. Dick Mirasol III