Home NATIONWIDE De Lima umaasang isang conviction lang sa articles of impeachment; sapat na...

De Lima umaasang isang conviction lang sa articles of impeachment; sapat na upang madiskwalipika si VP Sara

93
0

MANILA, Philippines – Isang conviction lamang sa apat na nabuong Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay sapat upang permanenteng hindi na ito makahawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Ito ang posisyon ni ML Partylist Rep. Leila de Lima, isa sa mga endorser ng ikatlong impeachment complaint laban sa bise presidente.

“Kinondense na lang lahat para mas malinaw, para mas maikli rin specially in terms of presentation of evidence para mas klaro para mas coherent so yung mga similar grounds ay kinonsolidate na lang into one,” paliwanag ni De Lima.

“Pag makarating na po ito sa Senado at magkaroon na po ng trial at during the judgment ng mga judges of the impeachment court kahit isa lang pong article ang ma-uphold nila at ma-convict si VP Sara, that should be enough to really convict her and then to remove her from office and to permanently disqualify her to hold further public office,” dagdag niya.

Ang House Justice Committee kasama ang isang resolusyon na naglalaman ng apat na Articles of Impeachment  ay inaprubahan sa pamamagitan ng botong 55 ang committee report, isang resolusyon at ang apat na articles of impeachment matapos madetermina ang probable cause sa ikatlo at ika-apat na impeachment complaints laban kay VP Sara.

“And then ‘yung pinadagdag din na substantive correction po tungkol po doon sa failure to divest her business interest sa isang company kasi sa Constitution po malinaw po iyan na kapag naka upo ka as President, Vice President, Cabinet Members, etc. ay kailangan wala kang participation in any business.”

Ayon sa mambabatas sa mga dokumentong naisumite ng Security and Exchange Commission (SEC) sa komite ay nakita pa umanong shareholder ng  Metro Chow company at miembro pa ito ng board of directors.

Ang negosyo aniyang ito ay nakapaloob sa hindi maipaliwanag na yaman na ayon sa kongresista ay taliwas sa saligang batas.

“So paglalabag po iyan sa ating Constitution kaya pinapasok ko po iyon as a sub heading doon sa Article 2. Kasi sa Article 2 nandun ang pinaka-ground is unexplained wealth,” ayon kay De Lima.

Muli ay ipinaliwanag ni De Lima na ang apat na articles of impeachment na may kinalaman sa maling paggamit ng intelligence funds, hindi maipaliwanag na yaman, bribery at graft and corruption ay aakyat sa plenaryo at kung maaaprubahan ay dadalhin na ito sa Senado.

“So a total of four articles ang itratransmit muna sa plenary for the plenary’s approval. At pag ma-approve po yun, yun na rin po ang papadala sa Senado. Kinondense na lang lahat para mas malinaw, para mas maikli rin specially in terms of presentation of evidence para mas klaro para mas coherent so yung mga similar grounds ay kinonsolidate na lang into one.”

Isa sa mga huling idinagdag ni De Lima ay ang isyu ng “failure to divest” o ang pananatili pa rin ni Duterte bilang shareholder at board member ng isang pribadong kumpanya sa kabila ng pagiging opisyal ng gobyerno.

“Meron pong company na nakita natin sa mga SEC records, yung Metro Chow company or Corporation na nandun pa rin siya as shareholder and also as member of the board of directors,” dagdag pa ni De Lima. (Meliza Maluntag / Gail Mendoza)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here