Home METRO Mag-ama, sinaksak ng live-in partner ng anak; tatay, patay

Mag-ama, sinaksak ng live-in partner ng anak; tatay, patay

125
0

CAVITE, Philippines – Isang 79-anyos na lalaki (ama) ang namatay habang sugatan ang anak nitong babae makaraang pagsasakakin ng live-in partner ng huli matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Imus City, Cavite Linggo ng hapon.

Sa nakalap na impormasyon mula sa pulisya, namatay si alyas Romulo, 79, habang Isinugod sa Southern Tagalog Hospital ang anak nitong si alyas Rachael, 30, dahil sa inamo nitong saksak saksak sa katawan mula sa live-in partner nito na si alyas Celso, kapwa residente ng Emong Compound, Brgy Anabu 1-G, ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, bandang alas-alas-3:00 ng hapon nagkaroon umano ng mainitang  pagtatalo ang mag live in partner na nauwi sa pananakasak ng suspek sa biktima.

Tinangka ng ama ni alyas Rachel na mamagitan subalit siya naman ang napagbalingan ng suspek at inundayan ng saksak sa dibdib na nagresulta sa kamatayan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang si alyas Rachel nakaagad namang  Isinugod sa ospital. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here