Home METRO Death Penalty Bill, muling isinalang ni Bato vs drug traffickers

Death Penalty Bill, muling isinalang ni Bato vs drug traffickers

MANILA, Philippines – Muling inihain ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang isang panukalang batas na nagpapataw ng parusang kamatayan sa sinumang mapatutunayang drug traffickers na ilang ulit nang ibinasura ng Kongreso.

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police at chief implementer ng Oplan Tokhang, na layunin ng panukala ng patawan ng capital punishment ang large-scale drug traffickers na isinusulong nito simjula pa noong 2019.

Bilang chief implementer ng Oplan Tokhang, hindi inamin ni  Dela Rosa na ,mahigit 30,000 ang napatay sa war on drugs kasama ang ilang menor de edad tulad ni Kian Delos Santos, bilang pagsunod kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong ngayon sa The Hague sa kasong crimes against humanity para sa    extrajudicial killings s drug warsa.

Kabilang sa 10 priority bills ni Dela Rosa ang   Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act, Amendment to Party-list System Act, End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) Act, at Anti-Drug Abuse Council Act.

Samantala, inihain naman ni Senador JV Ejercito ang ilang health related bills kabilang ang panukalang P74.4-billion Supplemental Appropriations for PhilHealth upang palakasin ang health insurance system at itaguyod ang mandato ng  Universal Health Care (UHC) Law.

Sinabi ni Ejercito, pangunahing isponsor ng UHC Act na mahalaga ang   supplemental budget sa gitna nang tumataas na halaga ng pagpapagamot.

Inihain din nito ang panukalang suspendihin ang  excise taxes sa regular gasoline, unleaded premium gasoline at diesel; at hiwalay na panukalang    P250 Daily Minimum Wage Increase Act at Motorcycle Taxi Act.

Nagsimula nang maghain ng kani-kanilang priority measures ang mga senador na pinagunahan ni Senador Bam Aquino at Senate President Francis “Chiz” Escudero bago simulant ang pagbubukas ng 20th Congress sa  July 28. /Ernie Reyes