Home NATIONWIDE WHO pinababalik sa core mission sa gitna ng mga isyu ng korapsyon...

WHO pinababalik sa core mission sa gitna ng mga isyu ng korapsyon at dayuhang impluwensya

MANILA, Philippines – Hinikayat ng isang regional harm reduction group ang World Health Organization (WHO) na muling ituon ang atensyon sa pangunahing mandato nito na nakatuon sa siyensiya at pandaigdigang kalusugan, sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon at umano’y labis na impluwensiya mula sa dayuhang pondo.

“It’s time to hold the WHO to its mandate and core mission of protecting global health based on science, not ideology; that is inclusive of all stakeholders, without judgment or prejudice,” ayon kay Nancy Loucas, executive coordinator ng Coalition of Asia Pacific Tobacco Harm Reduction Advocates (CAPHRA).

Ipinunto ni Loucas ang “matinding pagkabahala” kaugnay ng umano’y iregularidad sa Asia-Pacific region na kinasasangkutan ng WHO at ilang non-government organizations (NGOs) na pinopondohan ng Bloomberg Philanthropies, kabilang na ang akusasyon ng “undue influence” sa domestic policymaking sa mga bansang Pilipinas, India, Pakistan, Bangladesh, Indonesia, at Vietnam.

Sa Pilipinas, iginiit ng CAPHRA na lumabas sa isang 2021 congressional hearing na tumanggap umano ang Food and Drug Administration (FDA) ng grant mula sa Bloomberg-funded organizations upang bumalangkas ng polisiya para sa mga cigarette alternatives, gaya ng vapes at heated tobacco.

Sa Bangladesh, pinagdudahan ang pagkakahalal ni Saima Wazed—anak ni dating Prime Minister Sheikh Hasina—bilang WHO Regional Director for South East Asia noong Nobyembre 2023, dahil sa umano’y impluwensiya ng kanyang ina.

Sa Pakistan, sinuspinde ng gobyerno ang operasyon ng Tobacco-Free Kids at Vital Strategies, parehong pinopondohan ng Bloomberg, at inutusan ang State Bank of Pakistan na i-freeze ang kanilang bank accounts.

Sa Indonesia, itinuro ng Ministry of Health ang umano’y pagsingit ng Framework Convention on Tobacco Control agenda sa draft regulations ng plain packaging, na binatikos bilang posibleng paglabag sa soberanya ng bansa.

Samantala, sa India, itinigil ng gobyerno ng New Delhi ang tobacco-control initiatives ng isang maliit na non-profit na pinondohan din ng Bloomberg matapos mabigong mag-disclose ng pondo.

Sa Vietnam, sinabi ng Consumer Choice Center na ang “harmful interference” ng Bloomberg ay banta sa smoking reduction efforts, habang ang mga WHO officials ay nagpasalamat umano sa Bloomberg-funded groups sa pagbibigay ng teknikal na tulong.

Ayon sa CAPHRA, ang ganitong mga kaganapan ay bahagi ng tinatawag nilang “regulatory colonialism” kung saan pinanghihimasukan ng mga banyagang organisasyon ang mga lokal na patakaran nang hindi isinasaalang-alang ang kalagayan ng mga bansang apektado.

Hinimok ng grupo ang mga bansa sa Asia-Pacific, kabilang na ang Pilipinas, na igiit ang independiyenteng policymaking at tanggihan ang hindi naaangkop na dayuhang impluwensiya.

Tobacco Harm Reduction sa Gitna ng Debate
Itinaguyod ng CAPHRA ang tobacco harm reduction (THR) bilang alternatibong solusyon sa paninigarilyo, na kinabibilangan ng paggamit ng vapes, heated tobacco products, at nicotine pouches. Giit nila, batay sa mga siyentipikong pag-aaral, ang mga ito ay “significantly less harmful” kaysa sa tradisyonal na sigarilyo.

Ang panawagan ng CAPHRA ay lumutang habang naghahanda ang WHO para sa 11th Conference of the Parties (COP11) ng Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) na nakatakda sa Nobyembre 17–22, 2025 sa Geneva.

Kasabay nito, muling binuhay ang usapin ng pagkalas ng Estados Unidos mula sa WHO, na nag-udyok sa ilang bansa tulad ng Argentina, Hungary, Italy, at posibleng Russia at UK, na muling pag-aralan ang kanilang ugnayan sa pandaigdigang health body. RNT