Home METRO Delivery rider tiklo sa shabu sa Taguig

Delivery rider tiklo sa shabu sa Taguig

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Taguig police Substation 9 ang isang delivery rider makaraang makuha sa kanyang posesyon ang dalawang plastic sachets ng shabu nitong Lunes, Enero 1.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Officer-in-charge P/Brig. Gen. Mark Pespes ang inarestong suspek sa pangalan lamang na alyas Jove, 34.

Base sa report na natanggap ni Pespes, naganap ang pag-aresto sa suspek sa Villa Street, Barangay New Lower Bicutan, Taguig.

Ayon kay Pespes, nagsasagawa ang mga tauhan ng Substation 9 ng kanilang foot patrol nang mamataan ang suspek na may kakaibang ikinikilos.

Nang magsagawa ng pagsisiyasat ang mga operatiba ay tumambad sa kanila ang bitbit ng suspek na dalawang plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 23.1 gramo na nagkakahalaga ng P157,080.

Agad na dinala ang suspek sa custodial facility ng Taguig City police kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). James I. Catapusan