MANILA, Philippines – Tumagilid ang isang delivery truck na naglalaman ng ibat-ibang uri ng damit sa bahagi ng P. Burgos Street sa Ermita, Maynila Lunes ng umaga, Abril 7.
Sa ulat, nakatakda sanang ihatid ito sa isang kilalang mall patungong Paranaque City nang mangyari ang insidente.
Nagdulot naman ng matinding trapiko sa lugar dahil hindi ito agad nai-angat ng tow truck dahil sa bigat na dala ng delivery truck.
Samantala, sumalpok ang isang SUV sa likurang bahagi ng isang dump truck sa Paco, Maynila Lunes ng umaga.
Sakay ng SUV na kulay asul ang isang 63 anyos na driver na ininda ang pananakit ng katawan bunsod ng malakas na pagkakasalpok sa truck sa bahagi ng Linao St, corner Nakpil Street ng nasabing lugar.
Ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office Medical Response Team ang maagap na tumugon sa insidente at maingat na nailabas sa sasakyan ang biktima at isinugod sa malapit na ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden