Home ENTERTAINMENT Dennis, may request sa kasalang Gerald-Julia kung sakali!

Dennis, may request sa kasalang Gerald-Julia kung sakali!

Manila, Philippines- Hiling ng actor na si Dennis Padilla na siya ang maghahatid sa altar sa anak niyang si Julia Barretto kung ikakasal ito sa boyfriend nitong si Gerald Anderson.

Para kay Dennis, wala siyang tutol pag si Gerald ang mapapangasawa ng anak dahil napatunayan nitong mahal niya si Julia.

“After all these years, ‘di ba, napatunayan niya na mahal niya ‘yung anak ko, eh. Saka nakikita ko, mahal niya talaga ‘yung anak ko kaya okay sa ‘kin ‘yun,” sabi ni Dennis.

Nabanggit din ni Dennis na hindi pa sila nagkaka-usap ni Gerald at isa yun sa hiling niya.

“Joshua Garcia did that to me. He talked to me,”sabi ni Dennis.

Si Joshua ay ang unang naging kasintahan ni Julia bago si Gerald.

Kaya ang tanging hiling ni Dennis, siya sana ang maghatid sa anak kapag natuloy ang kasal nito kay Gerald.

“Isa ‘yun sa pinakamahalagang bahagi ng pagiging tatay, eh. Na ihahatid mo ‘yung daughter mo sa altar, ‘di ba? Isang beses lang mangyayari sa buhay mo ‘yun kaya gusto kong mangyari ‘yun,” sabi ni Dennis.

“Pero kung hindi man mangyayari ‘yun, eh gusto ko pa ring ma-witness ‘yung wedding na ‘yun kahit na hindi ako ang maghahatid,” hiling pa ni Dennis.

“Sana naman, ma-invite ako,” hirit pa niya. Ador Saluta

Previous articleTINGNAN: DILG, BFP presscon sa ulat ng fire incidents sa PH
Next articleP4.3M marijuana nasamsam sa Kalinga