Home ENTERTAINMENT Dennis, nagsalita na sa ABS-CBN issue!

Dennis, nagsalita na sa ABS-CBN issue!

151
0

Manila, Philippines – Nadadawit ngayon sa isang isyu ang actor na si Dennis Trillo pagkatapos nitong magbitaw diumano nang ‘di-kagandahang comment regarding ABS-CBN network kung saan siya nagsimula.

Nitong mga nagdaang araw ay naging usap-usapan online ang pagsagot diumano ni Dennis sa isang netizen sa TikTok na nagtatanong tungkol sa asawa niyang si Jennylyn Mercado, kung ito ba’y sasakabilang-network na dahil sa unavailability o non-communicative ng actress sa Kapuso network.

Especially no’ng inilabas ng GMA-7 ang kanilang bagong station ID at hindi kasama si Jennylyn. Dahilan para itanong ng ilang netizens si Dennis kung bakit wala si Jennylyn sa inilabas na bagong station ID ng GMA-7.

Usisa ng isang netizen kay Dennis; “Kuya Dennis, sana masagot mo ito, bakit wala si ma’am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN?”

Sagot umano ni Dennis, “May ABS pa ba?”, na ang tinutukoy niya’y ang ABS-CBN network kung saa’y una siyang nakilala. Dahil di-nagustuhan ng mga netizens ang tila pabalang nitong sagot, nagsalita na ang Kapuso actor sa umano’y binitawan niyang komento tungkol sa ABS-CBN.

May ilan ding pinaratangan si Dennis na tila ay wala itong simpatiya o malasakit sa ginawang pag-deny ng prangkisa ng gobyerno sa Kapamilya network.

Dahil sa ipinupukol na kaliwa’t kanang batikos kay Dennis, kaagad siyang dinepensahan ng kanyang management team.

Mabilis ding naglabas ng opisyal na pahayag ang Aguila Entertainment, ang talent management na humahawak sa showbiz career ni Dennis, para pabulaanan na ang aktor ang nasa likod ng nakakaintrigang komento.

Sabi ng staff, nagti-taping noon si Dennis ng Pulang Araw at limitado ang panahon nitong makahawak ng cellphone.

Sa 24 Oras nitong Biyernes, July 12, sa panayam kay Dennis ng reporter na si Nelson Canlas, naungkat ang mga natanggap na pamba-bash na natatanggap niya online tungkol sa naging komento nito sa ABS-CBN.

Muli, kinumpirma ni Dennis na totoong na-hack ang kanyang TikTok account at magpahanggang ngayon ay hindi nila alam kung sino ang nasa likod ng hacking.

Nakarating rin daw sa kaniya ang masasakit na salitang ibinabato sa kanya simula nang mag-trending ang pagkaka-hack ng kanyang TikTok account.

“Ayokong magpaapekto dahil hindi naman totoo. Hindi naman totoo yung mga naririnig ko, yung mga nababasa kong mga comments dahil siyempre na-hack nga yung account ko,” saad ni Dennis.

Dagdag pa ni Dennis, malaki raw ang utang na loob niya sa ABS-CBN dahil ito ang unang network na nagtiwala at nagbigay sa kanya ng oportunidad para maging isang artista at hindi niya kayang bastusin nang ganu’n-gano’n lang.

Sabi niya: “Ako, sa 20 years ko sa industriya, wala po akong naging kaaway, wala akong pinagsalitaan nang masama.

“Wala po akong anything against ABS-CBN. Mataas po ang respeto ko sa kanila [kasi] doon po ako nanggaling, e.

“Siyempre, yung respeto, importante po sa kin yun kaya pinahahalagahan ko yan.

“Ako po ay hindi sasagot ng mga ganoong klaseng comments.

“Sa isang simpleng tanong, kaya kong sagutin yan nang with full respect, pero hindi sa ganoong manner,” ayon sa pahayag ni Dennis. Ador Saluta

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here