MANILA, Philippines – Umakyat na sa walo ang death toll sa malawakang pagbaha na tumama sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa panayam kay Benjamin Alip, municipal disaster officer ng Pagalungan, ang pinakabagong nasawi ay ang insidente ng pagkalunod ng 22-anyos na lalaki sa Pagalungan, Maguindanao del Sur na sinubukan lamang iligtas ang kanyang alagang baka.
Ang Pagalungan ang 22 sa 24 bayan sa Maguindanao del Sur na nalubog sa tubig baha matapos ang malakas na pag-ulan na nakaapekto maging sa mga karatig lugar na North Cotabato, Sultan Kudarat at Maguindanao del Norte. RNT/JGC