Home NATIONWIDE 9 nasagip mula sa kidney organ trafficking sa Bulacan – DOJ

9 nasagip mula sa kidney organ trafficking sa Bulacan – DOJ

169
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga otoridad ang mga suspek na sangkot sa kidney organ trafficking kasabay ng pagligtas sa siyam na biktima sa isinagawang operasyon sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa ulat ng Department of Justice (DOJ), nagsama sama ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police at mga social worker para isagawa ang rescue operation nitong Hulyo 11.

Nahuli sa akto ang mga salarin habang idinedeliver ang bayad sa isa sa mga biktima.

Ayon sa DOJ, dinakip ang mga suspek dahil sa kanilang pagkubli at pagkupkop sa mga biktima para sa organ trafficking.

Nabatid na kinuha na ang kidney ng apat sa mga biktima at naibenta.

Ipinasa na sa Inter-Agency Council Against Trafficking ang kaso ng mga nailigtas na biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinikayat ang mga biktima na magbenta ng kanilang kidney kapalit ng salapi para makaahon sa kahirapan. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here