Home HOME BANNER STORY Mga senador umaasa sa anunsyo ng POGO ban ni PBBM sa SONA

Mga senador umaasa sa anunsyo ng POGO ban ni PBBM sa SONA

197
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-asa ang ilang mga senador na iaanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang total ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kasabay ng kanyang State of the Nation Address (SONA) sa susunod na linggo.

“Sa SONA ni Presidente, sana sabihin nila pinapa-ban na nila agad ang POGO sa Pilipinas,” pahayag ni Senador Risa Hontiveros nitong Lunes, Hulyo 15.

Ginawa niya ang panawagan kasunod ng mga posisyon nina Finance Secretary Ralph Recto and National Economic at Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan laban sa mga POGO.

Si Hontiveros ang nangunguna sa imbestigasyon sa mga nilusob na POGO hubs sa bansa.

“Sana, batay sa lahat ng masamang nadulot ng POGO so far at lahat ng pangakong napako naman tungkol sa magiging ganansya nito mula nung nag-open door policy sa POGO nung panahon ni [former President Rodrigo] Duterte,” ani Hontiveros.

Isang magandang political move naman para kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel III said it would be a good of political move if the President would announce the ban on POGOs during the SONA.

“Baka gulatin niya tayo, sisipa ang approval rating ng Presidente ‘pag inannounce niya sa SONA niya na he is now banning completely all POGO activities in the Philippines. Napakagandang political move po ‘yun,” ani Pimentel sa panayam ng DZBB.

“Kung ako si Presidente hintayin ko na ang SONA para isa ‘yan sa highlights ng address niya. Syempre lahat ng atensyon dun nakafocus, magugulat tayong lahat. Hindi lang magugulat, matutuwa pa,” pagpapatuloy niya.

Ilang mga senador na rin ang nanawagan para sa ban ng illegal POGOs sa bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here