Home NATIONWIDE DENR sa LGU officials: Small mining projects, imonitor

DENR sa LGU officials: Small mining projects, imonitor

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Sabado, Oktubre 19 sa local government units at sa mga opisyal ng barangay na imonitor ang mga nagpapatuloy na mining projects sa kanilang mga nasasakupan.

Ito ay kasunod ng pagkakadiskubre sa ilang Chinese at foreign nationals na nagtatrabaho sa mga minahan.

Noong nakaraang linggo kasi ay may naarestong 11 Chinese nationals dahil sa illegal na pagtatrabaho sa small-scale mining site sa Paracale, Camarines Norte.

Ayon kay DENR Assistant Secretary Rochelle Gamboa, iniimbestigahan na ang insidente.

Aniya, nakarehistro ang proyekto sa isang local operator ngunit inaalam pa ng DENR kung sino ang nagpopondo rito.

“It has always been a concern. Hindi talaga allowed na foreign national workers ang sa mining natin… A case will be filed,” sinabi ni Gamboa.

Kamakailan ay sinabi ni DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga na may kapareho ring mga kaso ang naitala sa Cagayan de Oro at Iligan.

Bagamat mayroong local DENR at Mines and Geosciences Bureau (MGB) personnel na nakatalaga para imonitor ang mga mining project, lalo na ang small-scale mines, aminado si Gamboa na wala silang sapat na manpower para sakupin ang lahat ng mga base.

“Sana the local government units will also help our regional executives— the directors and our regional teams sa provinces, para ma-monitor ang compliance ng mga small mining projects na ito,” anang opisyal.

“We work with the local government units para our people gain entry into these projects so that they can do the work of investigating,” dagdag ni Gamboa.

Dahil dito ay hinimok niya rin ang publiko na isumbong ang mga posibleng paglabag ng mga ito, sa DENR upang maaksyunan.

“We welcome reports of these violations.” RNT/JGC