Home NATIONWIDE DENR sa mga kandidato: Campaign materials pagkatapos ng halalan, iligpit, i-recycle

DENR sa mga kandidato: Campaign materials pagkatapos ng halalan, iligpit, i-recycle

The Quezon City Department of Public Order and Safety personnels conduct a simultaneous "Oplan Baklas" operation in the city's six districts to remove campaign paraphernalia on Tuesday, February 11, 2025. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Environment and Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Cordillera na ang mga kandidato sa May 12 polls ay dapat maghanap ng mga paraan upang mai-recycle ang mga materyales na ginamit nila noong panahon ng kampanya.

Sinabi ni EMB Regional Director Jean Borromeo ang mga kandidato sa isang panayam noong Lunes na ang kanilang mga tarpaulin ay recyclable materials na maaaring gawing bag o maging bubong o dingding.

Idinagdag pa ng opisyal na ang kanyang opisina ay makikipag-ugnayan sa mga organisasyon ng kababaihan upang hikayatin ang pag-recycle at muling paggamit ng mga materyales sa kampanya.

“Magaling silang mag-isip ng mga ideya. Baka makahanap sila ng ibang gamit para sa mga materyal na tarpaulin na ginamit noong kampanya,” ani Borromeo.

Kaugnay nito sinabi ni Director Julius Torres ng Commission on Elections (Comelec) sa Cordillera Administrative Region sa panayam ng media na magsisikap ang ahensya na i-recycle ang lahat ng mga tarps na ito.”

“Kaya sa ilalim ng batas, environmentally friendly campaign materials lang ang dapat gamitin,” dagdag pa nito.

Samantala naghihintay din umano sila ng direktiba kung saan itatapon ang mga tarpaulin na nakumpiska sa “Oplan Baklas,” ang aktibidad ng Comelec na nagtatanggal ng mga campaign posters sa mga lugar na hindi pangkaraniwang poster o lumalagpas sa sukat.

“Obligasyon daw ng lahat ng kandidato na tumulong sa paglilinis ng kanilang campaign materials pagkatapos ng halalan. Gayunpaman, ang ating mga local government units ang kadalasang naglilinis,” aniya, at binanggit na ang mga basurero ang nagre-recycle ng mga tarpaulin. Santi Celario