MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng public schools sa buong bansa ngayong Lunes, Abril 8, 2024.
“In order to allow learners to complete pending assignments, projects and other requirements, all public schools nationwide shall implement asynchronous classes or distance learning on Monday,” pahayag ng DepEd sa isang Facebook post nitong Linggo.
Ayon sa departamento, hindi rin rekisitos na pumasok ang teaching at non-teaching personnel sa lahat ng public schools.
Samantala, hindi saklaw ng abiso ang mga pribadong paaralan, subalit sinabi ng DepEd na maaaring ipatupad ng kani-kanilang pamunuan ang kautusan.
Sinabi ni DepEd Undersecretary Michael Poa na hindi kaugnay ang anunsyo ng heat index sa bansa.
“Kasi yung init ng panahon, at any time pwede pong mag-suspinde agad ng in-person classes ang mga school heads. Kaya po hindi nag-bla-blanket suspension due to heat is because iba-iba po ang situation ng 47,000 public schools across the country,” pahayag ni Poa.
“Basically, since ipit rin siya sa holidays best time for learners to use the time to complete pending matters that they need to complete,” dagdag niya.
Muli namang aarangkada ang face-to-face classes sa Huwebes, Abril 11. RNT/SA