Home NATIONWIDE Solon pabor sa substition ban

Solon pabor sa substition ban

MANILA, Philippines- Pabor ang mga mambabatas sa isinusulong ng Commission on Elections (Comelec) na ban sa substitution ng mga kandidato sa panahon ng eleksyon.

Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Adiong, sa oras na maipatupad ito ay mawawala na ang circus.

“We should insulate our election process from strategies that appear as if we are holding a circus. Because if you are already decided in serving the people, do you initially hide? That’s just a tactic. It’s like a circus,” pahayag ni Adiong.

“This Comelec decisio is about respecting the electorate and their right to be informed of who are the candidates who would run for public office,” giit pa nito.

Suportado din ni Manila Rep. Bienvenido Abante ang hakbang ng Comelec. Aniya ,wala na dapat sorpresa at mga drama.

“This Comelec decision is a reminder that we should not use the loopholes in the rules to manipulate people. We should remember that the essence of democracy is transparency and integrity,” ani Abante.

Matatandaan na noong 2015, si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang siyang nag-substitite o pumalit kay PDP-Laban’s first presidential candidate Martin Diño para sa 2016 presidential election.

Kinuwestiyon ng Comelec ang  kapasidad ni Diño na makapaglunsad ng national campaign kaya naman ang PDP-Laban ay nagpasa ng resolusyon na humihikayat noon kay Duterte na siyang maging kapalit.