Home NATIONWIDE DepEd nagbabala sa fake ‘allowance’ post para sa Grades 1 to 6...

DepEd nagbabala sa fake ‘allowance’ post para sa Grades 1 to 6 students

MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules, Marso 6, ang social media post na nag-aalok umano ng “pangbaon” o allowance sa mga estudyante kapalit ng kanilang impormasyon.

Sa abiso, sinabi ng DepEd na peke ang post na nangangako ng allowance sa Grades 1 hanggang Grades 6 learners kapalit ng kanilang detalye sa school identification (ID).

“Parents and guardians are strongly advised not to give out their children’s school information and identification to these kinds of hideous posts so as not to compromise their security,” ayon sa ahensya.

Kasama sa post ang official logo ng DepEd at ang larawan ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa gilid nito, na nag-oobliga sa mga magulang na ipasa ang ID ng kanilang mga anak bago ang Marso 30.

Kapalit umano nito, sinasabi sa pekeng post na mamimigay ng P1,000 allowance sa Grade 1, P2,000 sa Grade 2, P2,500 para sa Grade 3, at P3,000, P4000 at P5,000 para sa Grades 4 hanggang 6 learners.

Hinimok ng ahensya na sa official social media platforms lamang ng DepEd makibalita.

“DepEd reminds everyone to stay vigilant against misinformation.” RNT/JGC

Previous articleVirtual helpline vs pang-aabuso sa mga babae, bata pinagana ng PNP
Next article3 aktibong pulis na sangkot sa pagnanakaw sa POGO supervisor kinasuhan na