Home NATIONWIDE DepEd sa campus journos: Ugaliing mag-fact check sa gitna ng AI age

DepEd sa campus journos: Ugaliing mag-fact check sa gitna ng AI age

102
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Education ang mga campus journalist na panindigan ang katotohanan at manguna sa fact-checking habang lalong binabago ng artificial intelligence ang media landscape, kasabay ng pagbibigay-diin sa papel ng mga student journalist sa paglaban sa misinformation at disinformation.

Ginawa ang panawagan sa pagbubukas ng 2026 National Schools Press Conference sa Ormoc City noong Lunes, kung saan pinaalalahanan ni DepEd Undersecretary for Learning Systems Strand Carmela Oracion ang mga kabataang mamamahayag na isulong ang responsableng pamamahayag.

“Now more than ever, the role of the student-journalist is vital, for they are called to lead in fact-checking and to stand as defenders of verified, credible, and truthful information for the public,” aniya.

Binigyang-diin din ni broadcast journalist at keynote speaker Atom Araullo ang limitasyon ng mga umuusbong na teknolohiya. “AI can generate content, but it cannot pursue the truth,” saad niya.

“Ang journalism ay hindi isang competition. Ito ay isang serbisyo. Kapag may sakuna, may eleksyon, may katiwalian, kailangan may magsabi ng totoo,” ani Araullo.

Mahigit 3,400 delegado mula sa 18 rehiyon ang kalahok sa NSPC ngayong taon na may temang “Mapanuri, Mapanindigan, at Mapanagutang Pamamahayag.”

Saklaw ng kumperensya ang mga pambansang kompetisyon sa writing, visual journalism, broadcast, at multimedia. Kabilang sa mga kategorya para sa elementarya at sekondarya ang news, feature, editorial, sports, science and technology, at column writing, gayundin ang copy editing and headline writing, photojournalism, editorial cartooning, radio and television broadcasting, online publishing, at mobile journalism. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here