MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbili ng nasa 756 units ng breath analyzers na napag-alamang depektibo.
Ipinag-utos ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang masusing imbestigasyon ng mga gamit na binili noong 2015 at 2017.
Sinubukan pang ayusin ng LTO ang mga breathalyzers matapos makita sa imbentaryo na hindi na ito maaaring magamit.
Ngunit batay sa assessment, tanging 288 lamang sa 756 na unit ang maaari pang maayos at ma-recalibrate.
Ani Mendoza, ang unang batch ng 150 units noong 2015 ay binili sa halagang P68,000 kada piraso habang ang second batch ng mahigit 600 units ay nabili ng tig-P38,000 kada isa.
“Our first objective is really to fix the purchased breath analyzers because what is important right now is to re-distribute them to our personnel on the ground for the strict implementation of the Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013,” saad sa pahayag ni Mendoza.
“The second is to review what happened in the past to determine if there were lapses and who could be held liable for that.”
Ani Mendoza, inaalam nila kung mas praktikal na lamang bang bumili ng bagong breath analyzers kaysa sa ipaayos ito.
Siniguro naman na sa oras na bumili ang LTO ay magiging transparent ang procurement process.
“Titiyakin natin na makulkuha natin ito sa pinakamurang halaga but still under the specifications at makakatiyak tayo ng magandang quality ng mga breath analyzers,” ani Mendoza. RNT/JGC