MANILA, Philippines – Mayroon na lamang hanggang Oktubre 3 ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) para alisin ang kanilang ‘unauthorized’ tattoos.
Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, spokesperson ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7), na ang mga may tattoo ang gagastos ng pagpapaalis sa mga ito.
Ang bigong pag-comply sa mandato ng PNP ay katumbas ng “neglect of duty or irregularity in the performance of duty.”
Noong Hulyo 3, naglabas ng memorandum ang PNP sa pag-aalis ng mga tattoo ng mga pulis.
Binigyan sa naturang memorandum ng hanggang tatlong buwan o hanggang Oktubre 3 ang mga ito para sumunod.
Ayon kay Pelare, ang mga unauthorized tattoos ay ang mga maikokonsiderang “extremist, racist, discriminative, and promotes violence.”
Sa kabila nito, ang aesthetic tattoos o may kinalaman sa kagandahan katulad ng eyebrows, eyeliner o lips tattoo ay hindi kasama sa polisiya ng PNP. RNT/JGC