Home NATIONWIDE Desisyon ng SC sa VP Sara impeachment, dapat igalang – Imee, Ping

Desisyon ng SC sa VP Sara impeachment, dapat igalang – Imee, Ping

254
0

MANILA, Philippines – Iginiit nina Senador Imee Marcos at Ping Lacson na dapat igalang ang desisyon ng Korte Suprema na ipatigil ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, dahil ito ay agad na ipinatutupad.

Binalaan ni Marcos na maaaring maantala ang proseso dahil sa mga motion for reconsideration, habang nanindigan si Lacson na sundin ang desisyon ng SC kahit kinikilala ang husay ng argumento ng Kamara.

Tatalakayin ng Senado ang isyu nitong Agosto 6.

Samantala, nais pa rin ni Senador Erwin Tulfo na ituloy ang paglilitis upang mailahad sa publiko ang ebidensya, habang inaasahang boboto ng pabor sa dismissal ang Duterte bloc. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here